isusulat ko ang dalawang araw kong pakikipag-sapalaran sa tunay na buhay....kuno?!
October 12, 2005
kinakailangan kong bumalik sa clark para general assembly ng dalawang samahan na kinabibilangan ko..ang SC at ang AES...kaya lang sa kinasamaang palad ang dalawang ito ay sabay na dinaos ang GA..tuloy kailangan kong hatiin ang sarili ko...hahaha...
6:30 am...nagising ako...nag-handa..nalate pa nga ako ng gising eh...pumunta sa bus station...maski ang almusal lang ay bibingka at puto pao..(sa totoo lang yan pa lang masaya na ako)..hayun pag dating ko sa bus terminal ng victory (8:30 am)...ang alis pa pala ng bus ay 10 am..pano na yun eh ang meeting ko ay 10 am...so much for being late big time..hehe...
sa wakas umalis na ang bus..may nakatabi pa akong babae na mukhang paranoid...medyo parang problematic kasi eh..medyo nagtanong pa nga eh,,,
on the way to the bus...kausap ko si levy...sun na kasi siya..raw>!...sobrang kulit..la na nga kami mapagusapan eh...nag-enjoy siguro sa features ng sun..hehe..
pagdating sa clark...sa may dau..di ko pa rin makalimutan ang pagkaka-encounter ko sa mama na nagbenta ng mama mary na figurine at hiningan ako ng P180...gosh laking money..hehe
hayun...meeting na...pumunta muna ako sa sc opis at umeskapo ng konti para sa aes meeting...napag-balance ko naman...
nung hapon..sumama ako kina ate rhoda, ate buena, ate abby at kuya sonny para sa pagpapasolicit sa mga politiko para sa trip ni ate rhoda sa cebu para UP system assembly...
mga natutunan ko...ang capitol ng san fernando napaka gastos sa kuryente, walang silang mga tao na pwedeng umasikaso sa mga taong may problema kaya pumunta sa capitol...ang daming mga litrato ng mga politiko sa buong lugar...halimbawa..yung relo nila pagmumukha ng mayor na sobrang nakakairita...tanong: pano kung matapos ang termino niya?..papalitan ba na naman na pagmumukha ng susunod na mayor?...hello..dagdag gastos yan...pera ng mamayan yan...masyadong exposure yan..at napaka sayang kung sa relo mo lang gagastuhin..hay naku...at marami pang bagay...
change topic..after that nagSm kami..grabe sobrang enjoy..hehe...kasama sila ate rhoda and company..promise the best...parang mga ate ko sila na kabonding ko..hehe..dami kong natutunan sa kanila..from school issues to country issues to love..hehe...kakatuwa..,.sana maulit muli...nga pala..mag-isa akong natulog sa dorm..as in mag-isa..tinakot ko pa nga sarili ko eh..medyo umepekto..pero hanggang ngayon di ko pa rin alam bakit nangangalampag yung mga asa baba>>.ako kaya yung dahilan..hehe...
October 13, 2005
4:30 ting..ting... <30 minutes pa>
hayun..nagising tuloy ako ng pass 6 am...na dapat ay 6 am ang usapan...hayun..nalate tuloy ako..astig sa may salakot..daming nag-jojogging...sana matry ko rin yun..hehehe
nag-start ang team-building...astig may pa-amazing race effect...damn, may dala akong extrang bagahe..tamad kasi akong dumaan pa sa dorm sa pag-uwi eh..hehe...so yun..pina-iwan ko na lang sa car ni kuya jp..tapos nag-enjoy kami sa games, kainan (seafood ang ulam namin ha...centura tuna with onions and toyo - naalala ko si ivan)..hehe...at yun nasugat pa ako sa laro naming baseball/football..yung bougainvillea..hehehe..tama ba spelling ko?!..hehe././.may sharing pa and stuff...dami pala naming gagawin this sembreak for Mr. and Ms. Up..hehehe
hayun..nahirapan kaming umuwi from the picnic grounds..naglakad pa kami..at inabutan ng ulan...at buti naman nakauwi ako ng mahusay..di na ako nakapag-santrans...miss ko na sila lester..huhu...at eto na ako ngayon..nagsusulat...ang rason ko naman kung bat nag-net kasi birthday ni japper..yun lang...sige na una na ako...bored na ako..nobela na to eh..
No comments:
Post a Comment