Saturday, October 8, 2005

aral..aral..aral..at mga iba pang walang kwentang bagay...

isang araw na nilaan ko sa pag-aaral..pero di ko rin natupad...ang dami kasing pang gulo sa isip.,,,bakit kaya hindi man lang ako nag-aalala sa darating kong exam sa english..na pag nabagsak ko ay..magiging eng-eng na ako..haha..


ano bang nangyari sa araw na ito?..nagluto si mama ng sinigang na baboy para sa tanghalian at sweet and sour tilapia ngayong hapunan..napaka-sarap talaga..ang sarap isipin na kagaya ito ng kinalakihan ko...matagal rin kasing hindi na nagluto si mama..at nakakatuwang isipin na sa mga panahong ganito ay kumakain na naman kami ng sabay..hay buhay..nakakagalak talaga....


nakakagulat nga rin pala..si mama sobrang interesado sa pag-tetext, pag-cocomputer at pag-iinternet...nakakagulat dahil noon ayaw niya ng teknolohiya pero biglaan na lang na nagbago ang pananaw niya..ang dahilan niya raw ay para maka-communicate niya ang mga kaklase niya nung college at highschool..hehe..nakakatuwang isipin na ang nanay ko..hi-tech na ngayon..hehehe..


ano pa ba?..eto kachat ko ngayon ang pinsan kong si charles.,siya ang pinsan ko na ngayon ngayon ko lang nakilala..siya ay nag-aaral sa dlsu..ece ang course kagaya ng kuya ko...ano pa ba?,.kakabirthday niya nung sept 23..yun lang...sana maging close pa kami...ok siya...magpinsan nga kami..hehe...


ano pa ba?..ay oo nga pala wala akong load...kaya di ako makakapagtext...konting tiyaga at sakripisyo...hahaha.sana kayanin ko..hahaha


at oo nga pala..napagkwentuhan nga pala ni mama yung mga nangyari sa amin nila ivan at lester last week..at yung 1st love ko kuno..haha...nakakatuwang isipin na natapos na ang parte sa buhay ko..at totoo nga na sa huli ay tatawanan mo na lang yun..hehee....


eto last na to..mag-aaral na talaga ako ngayong gabi,,magbababad ako buong gabi..hanggang madaling araw...sana lang magawa ko..sana nga mapasa ko ang eng...LORD please...kaya to!...bwahaha


bago ko malimutan...ang dami ko palang natutunan sa libro kong nabasa bout dating.kwento ko na lang sa susunod kung ano natutunan ko..pangako marami akong natutunan..ang pagpapabuti ng relationship ko kay Lord..hindi to kaplastikan o nagpapa-santa ako...


yun lang..walang kwenta noh?!

1 comment: